Nasabat ng mga otoridad ang daan-daang mga expired na pagkain na iligal na ibinebenta sa Quiapo, Maynila.
Ilan sa mga produktong nakumpiska ay mga kendi, tsokolate, dried fruits, sauces at iba pang processed foods kabilang na ang mga de latang walang tatak.
Pinangunahan ng Manila Health Sanitation Office ang pagsalakay sa pakikipagtulungan ng Manila Police District (MPD) bilang tugon sa reklamo ng grupong Ecowaste Coalition.
Kasunod nito, pinagsabihan ng mga otoridad ang mga nagtitinda na itigil na ang pagbebenta ng mga expired na pagkain upang maiwasang maharap sa kaukulang asunto.
By Jaymark Dagala