Pinaiimbestigahan sa Kamara ang sinasabing mga ‘expired at nearly expired’ na mga gamot maging ang mga ‘overstocked’ na mga medical supplies na nakalagak sa mga warehouse ng Health Department.
Sa resolution 1732 na inihain ni deputy speaker at Cibac Partylist Representative Bro. Eddie Villanueva sa Kamara, nais nitong ipasilip sa kinauukulang komite ang naturang usapin at kadikit nitong anomalya.
Giit ni Villanueva, na hindi dapat masayang ang mga gamot.
Paliwanag ni Villanueva na kung ang kung pagbabatayan ang datos ng Commission on Audit (COA) noong nakaraang taon, makikitang nagkakahalaga ng higit sa P2 bilyong ang mga ‘overstocked’ na mga gamot.
Binigyang diin pa ni Villanueva na hindi lang pondo ng pamahalaan ang naisasaalang-alang dito, kung hindi pati na rin ang kalidad ng maayos na kalusugan ng bawat pilipino.
Magugunitang, sinabi ng Health Department na ang mga nearly expired at overstocked na mga gamot ay patuloy nilang ipinamamahagi.