Mananatiling tariff-free o libre sa buwis ang mga produkto ng Pilipinas na ini-export na papasok ng United Kingdom sa ilalim ng European Union’s generalized scheme of preference plus (GSP+).
Ito ang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI), sa kabila ng tuluyang pagkalas ng UK sa European Union simula noong ika-31 ng Enero ng nakaraang taon.
Ayon sa DTI, kabilang pa rin ang Pilipinas sa UK GSP’s enhance framework na may katulad na market access at benipisyo ng EU GSP plus scheme.
Sinabi ni Trade Undersecretary Abdulgani Macatoma, nagpapasalamat sila sa pagkakasama ng Pilipinas sa UK GSP at inaasahang magbabalik kalakalan sa ilalim ng naturang sistema.
Dagdag ni Macatoma, isa ang United Kingdom sa ikinukunsiderang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas.