Pinaiimbestigahan ng isang mambabatas sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga ulat na ‘fake bookings’ sa mga delivery riders.
Ayon kay Deputy Speaker Bernadette Herrera Dy, author ng magna carta of e-commerce delivery personnel sa mababang kapulungan, na oras na para imbestigahan ang sunod-sunod na insidente ng ‘fake bookings’, gayundin ang paggamit sa pagkakakilanlan ng mga indibidwal na hindi naman tunay na nag-o-order o nagpapa-deliver sa naturang delivery app.
Dagdag pa ni Dy, dahil napapadalas na ang balita hinggil sa umano’y modus na ito, posibleng marami na aniya ang nabibiktima nito.
Kasunod nito, umapela si Dy sa ilang kinauukulang ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa pag-iimbestiga ng NBI sa isyu.
Kabilang sa mga ahensyang ito ay ang National Privacy Commission (NPC), Department of Information and Communication Technology (DICT) at iba pa.