Dapat lang na makasuhan at mapapanagot ang mga nagpapakalat ng fake news.
Ito ang binigyang-diin ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa harap anya ng napakasaklap na epekto na idinudulot ng mga kumakalat na pekeng balita at impormasyon.
Ayon kay ES Bersamin, nagdurusa ang buong mundo sa matinding epekto ng panlilinlang na nagmumula sa mga pekeng balita kaya dapat lang aniyang masampahan ng kaukulang kaso ang mga nagpapakalat ng fake news.
Nauna ng sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay aminadong naaalarma na sa matinding pagpapakalat ng pekeng balita.
Dahil dito, gumagawa na rin ng hakbang ang national bureau of investigation para makipag-ugnayan sa Interpol upang ma-extradite ang mga fake news peddlers na nasa ibang bansa.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)