Sinorpresa ng trending love team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang kanilang mga fans matapos ipasilip ang kanilang pag-arte para sa inaabangan nilang pelikula na “Love Is Color Blind.”
Sa isang post sa Facebook, dito ibinida ng Star Cinema angviral audio teaser kung saan nasubok ang batuhan ng linya nina Donny at Belle.
Agad ngang nag-viral ang eksena ng dalawa sa “Love Is Color Blind” nang humakot ito ng mahigit 75,000 views sa Facebook sa loob lamang ng tatlong oras.