Nangangampanya ang mga Filipino-American para sa kani-kanilang kandidato sa pagkapangulo sa Estados Unidos.
Gumagamit umano sila ng iba’t ibang paraan gaya ng pagbabahay-bahay, pagtawag sa telepono, texting, at emailing.
Ayon sa pinakahuling survey, kapwa nililigawan ng mga kampo ng magkatunggaling sina Donald Trump at Hilary Clinton ang mga Fil-Am at iba pang Asian American.
Sa Nevada, 120,000 Fil-Ams ang pinakamalaking Asian ethnic group
Kasama ang Asian Americans and pacific islanders, 9% sila at mga Fil-Am sa mga botante ng Nevada at may kakayahan umano silang pagalawin ang eleksyon doon.
By: Avee Devierte