Nahaharap sa reklamong kidnapping ang mga Filipino diplomat sa Kuwait kaugnay sa kontrobersyal na pagsagip sa ilang pinoy workers na nakunan ng video at nag viral sa internet.
Ipinabatid ito mismo ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano.
Sinasabing tatlong pinoy diplomats na nasa Philippine Embassy ang nahaharap sa pag aresto at apat pang pinoy ang nakakulong matapos kasamang tumulong sa ginawang pag rescue sa mga OFW.
Sinabi ni Cayetano na may diplomatic immunity o hindi maaaring arestuhin ang mga kawani ng embahada ng Pilipinas lalo na’t wala naman aniyang nangyaring krimen.