Aminado si presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na positibo ang kanyang pananaw dahil naniniwala siyang ang mga mamamayang Filipino ang pinaka-malaking asset ng bansa.
Ito ang tugon ni Marcos sa huling tanong sa “The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidates Interview” sa tanong ni Professor Clarita Carlos kung siya ay “optimist o pessimist, high-risk o low-risk-taker o isang Machiavellian.
Ayon sa dating senador, halos na nalibot na niya ang buong mundo pero wala siyang ibang makitang nakhihigit sa mga Filipino.
Sa tanong naman kung siya ay high-rish o low-risk taker, inamin din ng presidentiable na mas mais niyang maging konserbatibo dahil magreresulta sa matinding paghihirap ng mas maraming mamamayan ang isang pagkakamali.
Samakatuwid anya ay dapat maging napaka-ingat sa mga desisyon partikular sa mga national issue.
Idineklara rin ng dating Ilocos Norte Governor na siya ay isang “Machiavellian” o dapat naiintindihan ng isang leader ang sitwasyon sa “ground” at malawak ang kaalaman sa iba’t ibang bagay upang makamit ang tagumpay.
Si Nicolo Machiavelli ay isang Italian Renaissance Political Philosopher at mambabatas na kilala sa mga inilathalang libro tulad ng The Prince na nagpakilala sa mga katagang “The End Justify the Means,” na nangangahulugan ng political cynicism.