Hati ang mga Filipino sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng Revolutionary Government o Rev-Gov kung magkakaroon ng destabilization plot laban sa gobyerno.
Batay sa Social Weather Stations o SWS survey sa isanlibo dalawandaang (1,200) respondents noong December 8 hanggang 16, 39 percent ng mga Pinoy ang kontra sa Rev-Gov, 31 percent ang sumusuporta habang 30 percent ang undecided.
Ayon kay SWS Director for Sampling and Data Processing Gerardo Sandoval, pinaka-marami ang tutol sa Luzon na 46 percent na sinundan ng Visayas, 43 percent; Metro Manila, 39 percent at Mindanao, 21 percent.
Lumabas din sa survey na hindi lahat ng Pinoy na kuntento sa performance ni Pangulong Duterte ang nagpahayag ng buong suporta sa Rev-Gov.
—-