Hindi dapat magpaka-kampante ang mga Filipino kahit tapos na ang digmaan sa Marawi city, Lanao del Sur.
Sa kanyang talumpati sa Philippine Professional Summit sa Manila Hotel, kagabi, aminado si Pangulong Duterte na hindi mawawala ang terorismo hangga’t hindi nabubura ang radikal na ideyolohiyang Islam.
Nangangamba ang punong ehekutibo na maaaring maglunsad ng mga maliit na pag-atake bilang ganti ang mga terorista lalo ang mga nag-u-uwiang foreign Islamic state fighters mula Syria at Iraq.
Pinayuhan naman ni Pangulong Duterte ang publiko na maging mapagmatyag at manatiling alerto laban sa extremism na hindi lamang problema ng Pilipinas kundi maging ng buong mundo.