Nagsimula nang tumawid sa Polish border ang ilang Filipino mula Ukraine sa gitna ng nagpapatuloy na paglusob ng Russia.
Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin junior na pansamantalang binuksan ng Poland ang pinto nito para sa ilang Pinoy mula Ukraine kahit walang visa.
Pinangungunahan anya ang repatriation ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Arriola.
Una nang inihayag ng Malakanyang na prayoridad ng gobyerno at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaligtasan ng lahat ng Filipino sa Ukraine.