Inaasahang matatapos na ng PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation sa Biyernes ang binabalangkas nitong protocol.
Ito’y para pagbawalan nang makapasok sa mga casino ang mga financier para mag-operate ng pautang para sa mga casino players o gamblers.
Ayon kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo, ginawa niya ang nasabing hakbang dahil sa naniniwala siyang ang mga financier ang nagpapalala sa adiksyon ng mga gambler sa sugal.
Nag-ugat ang hakbang na ito ng PAGCOR kasunod ng nangyaring malagim na pag-atake ng lone gunman na si Jessie Carlos sa Resorts World Manila makaraang i-ban ito dahil sa malaking pagkakautang.
By: Jaymark Dagala