Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga firearms dealer, na maging responsable sa pagbebenta at pag-ingat ng mga armas.
Ayon kay PNP Officer in Charge Police Lieutenant General Vicente Danao, Jr., responsibilidad ng mga firearm dealers na masiguro na ang mga authorized individuals lamang ang maaaring magkaroon ng access sa mga baril at bala.
Sinabi pa ni Danao na dapat mapanatili ng mga gun-owner ang mga alituntunin sa pagbili at pagpapalisensya ng kanilang mga armas.