Pinayuhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga Pilipinong mangingisda na iwasan na muna ang pagpunta sa bahagi ng Scarborough o Panatag Shoal.
Ito’y makaraang lumutang ang isyu hinggil sa umano’y pangha-harass o pag-taboy ng mga Chinese coast guard sa mga Pinoy fisherman.
Ayon kay BFAR National Director Eduardo Gongona, ito’y upang hindi na lumala ang tensiyon sa pagitan ng Manila at Beijing.
Dapat na mas pagtuunan na lamang anya ng pansin ng ating mga mangingisda ang mga municipal waters sa bansa na pangunahing pinangingisdaan ng mga ito.
Paglilinaw pa ni Gongona, hindi kabilang ang Panatag Shoal sa pangunahing pinagkukunan ng suplay ng isda sa bansa.