Kinansela na ng Cebu Pacific ang kanilang mga flights na patungong South Korea at pabalik ng Pilipinas.
Ito ay sa gitna na rin ng nararanasang outbreak ng coronavirus disease (COVID-19) sa South Korea gayundin ng ipinatutupad na travel ban doon.
Sa abiso ng Cebu Pacific, kanselado na ang biyahe ng flight 5J 188-187 na Manila-Incheon-Manila; 5J 128-129 na Cebu-Incheon-Cebu at 5J 180-181 na Kalibo-Incheon-Kalibo mula Marso 3, Lunes hanggang Abril 30, Huwebes.
Ayon sa pamunuan ng Cebu Pacific, maaari namang i-rebook ngayong araw hanggang Marso 2 ng mga apektadong pasahero ang kanilang flights o palitan ng mga bagong flights hanggang Hunyo 30.
Maaari rin anilang mag-avail ang mga apektadong pasahero ng refund o gawing travel fund na magagamit nila sa susunod ng biyahe.