Ibinasura ng Bureau of Customs (BOC) ang mga food products mula China na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).
Katuwang ang Bureau of Animal Industry (BAI), ipinatapon ng BOC mga pagkaing tulad ng dumplings, pork-chicken balls at roast chicken wings na ipinadala sa Dynamic M International Trading Inc.
Sinabi ng BOC, na dumating ang shipment ng mga produkto sa Manila International Container Port noong December 11, 2019, bago ito nadiskubre at nasamsam ng mga otoridad noong January 24.
Pahayag ng BOC, natuklasan isinagawang eksaminasyon ng veterinary quarantine services ng BAI na ASF positive ang sample ng pork-celery dumpling.
Dinisposed ang mga naturang food items sa pamamagitan ng heat-assisted method na tinatawag na thermolysis, o thermal decomposition, sa pasilidad ng integrated waste management sa Trece Martires City, Cavite.