Mahigit 100 abogado sa ibang bansa at grupo ng mga abogado ang nakikiisa sa apela sa Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang anti-terrorism bill.
Sa kanilang sulat sa Pangulong Duterte, Justice Secretary Menardo Guevarra at Kongreso ipinaabot ng International Association of Democratic Lawyers (IADL) ang pagka alarma sa napipintong pang aabuso sa kapangyarihan at kaguluhan o civil unrest na idudulot ng naturang panukala.
Inigyang diin ng IADL na haharangin ng panukala ang free speech at paparusahan nito ang mga kalaban sa pulitika na tataguriang terorista at ipagkakait sa mga ito ang pangunahing pagkilala sa karapatang pantal at due process.
Hinimok ng grupo si Guevarra na ibasura ang anti-terrorism bill dahil sa constitutional at procedural grounds kasabay ang panawagan sa mga kongresistang bumoto pabor sa panukala na bawiin ang kanilang mga boto.