Kuntento ang karamihan sa mga foreign media na nag-cover sa ginawang Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit dito sa Pilipinas.
Sa ginawang panayam ng DWIZ patrol sa mga foreign media mula Japan at Singapore, maayos at organisado ang inilagay na international media center.
Bagama’t may mga dala na silang mga gamit na may kinalaman sa komunikasyon, kuntento naman ang mga ito sa ibinigay sa kanilang internet connection kahit pa may pagkakataong bumabagal ito.
Ikinagulat naman ng iba pang foreign media ang higpit ng ipinatutupad na seguridad dahilan upang hindi sila makapag-ikot sa iba pang bahagi ng Kamaynilaan.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)