Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walong foreign nationals na pawang miyembro ng ISIS ang kabilang sa mga nakabakbakan ng tropa ng gobyerno sa Marawi City.
Ayon kay Lorenzana, dalawa sa mga ito ay Saudi nationals, dalawa ang Malaysian, dalawang Indonesian, isang Yemeni at isang Chechen.
Ipinabatid ni Lorenzana na kabilang ang mga ito sa mga napatay sa mahigit isang linggong bakbakan sa Marawi.
Batay sa impormasyon, gumamit ng backdoor ang mga dayuhan para makapasok sa southern part ng Pilipinas at naging bahagi ng grupong umatake sa Marawi City.
Isang mag-asawang Syrian at Moroccan na may-ari ng recruitment agency ang nagpondo sa operasyon ng local terrorist na idinirekta sa account ni Police Supt. Maria Cristina Nobleza na naaresto naman sa Bohol noong nakalipas na Abril.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping