Pinalilikas na ng iba’t ibang bansa ang kanilang mga mamamayan na nasa South Sudan.
Ito ay kaugnay ng nagpapatuloy na karahasan sa pagitan ng grupo nina President Salva Kiir at Vice President Reik Machar.
Ayon sa ulat, pinauuwi na ng mga bansang Germany, United Kingdom, Italy, Japan, India at Uganda ang kanilang mga mamamayan upang di na madamay sa kaguluhang nangyayari sa South Sudan.
Samantala, nagpadala naman na si US President Barack Obama ng 47 sundalo sa south suidan upang protektahan ang US Embassy at mga kawani nito na nasa South Sudan.
By Ralph Obina
Photo Credit: German Foreign Office/ BBC