Inihalintulad ng Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi matatawarang pagsusumikap ng ating mga frontliners para labanan ang banta ng pandemya sa ipinamalas na katapangan ng ating mga sundalo para makamit ang kalayaan ng bansa.
Ito ang pahayag ni punong ehekutibo sa gitna ng paggunita ng bansa sa Araw ng Kagitingan.
Ani Duterte, sa panahong ito nawa’y hindi makalimutan ng bawat-isa na magbigay-pugay sa walang takot na pagbubuwis ng buhay ng mga frontliners ngayong may pandemya.
Giit ng pangulo, repleksyon ang kagitingan ng mga ito ang likas na sa bawat Pilipino — ang pagtutulungan sa gitna ng dumarating na unos.
Bukod pa rito, nararapat din, ani Duterte, na laging pahalagahan ang ginawang paglaban ng ating mga sundalo para makamit ang kalayaan ng bansa.
BASAHIN: Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong #ArawNgKagitingan ang mga frontliners na patuloy na nakikipaglaban sa pandemyang COVID-19, katulad aniya ng kagitingang ipinakita ng mga nakipaglaan noon sa Bataan.
Basahin ang mensahe nito. https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/jEH8ZJPSGq
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 9, 2021