Inihayag ng Department of Trade and Industry na bigyan ng insentibo ang mga nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, kailangan bigyan ng insentibo ang mga nabakunahan kontra COVID-19 sa mga dine-in at personal care services para mahikayat ang mamamayang Pilipino na magpabakuna.
Dagdag ni Lopez, kailangan pareho ang maging panuntunan sa mga establisimyento at pagsakay sa mga pampublikong transportasyon.
Magugunitang, mananatili ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine o MECQ hanggang Setyembre 7.