Hayaan nang mag-home quarantine ang mga fully vaccinated na Overseas Filipino Workers (OFW)’s .
Ito ang inihirit ni Senator Richard Gordon Sa Inter-Agency Task Force (IATF), bukod sa magastos ang 14-day hotel quarantine, maaaring maubos din ang kanilang bakasyon sa halip na kasama na nito ang kanyang pamilya.
Sinabi rin na gordon na kailangan sa ika lima o ikapitong arw nito sa bansa ay isailalim na sila sa COVID-19 testing.
Paliwanag pa ni Gordon,isa sa kanyang dating staff ay umuwi mula sa spain at nanuluyan sa isang hotel bago na-swab makalipas ang isang linggo.
Lumabas aniya ang resulta makalipas ang dalawang araw at nakalabas na ito ng hotel sa pang 10 araw niya nang makabalik sa bansa.
Binigyang diin ni Gordon na hayaan na ng IATF ang LGU’s na magpatupad ng kanilang sariling polisiya para sa mga nagbabalik-bansa na mga Filipino basta sagutin ng mga lokal na opisyal ang responsibilidad sa pagsunod sa health protocols.