Maaari nang makapasok sa Singapore ang mga fully vaccinated na Pinoy simula sa March 4, sa ilalim ng vaccinated travel lane program.
Ayon sa Civil Aviation Authority ng Singapore, palalawigin nito ang vtl kung saan kabilang dito ang Pilipinas at Israel.
Bubuksan aniya ang aplikasyon para sa nasabing bansa simula Marso 1.
Ikukunsiderang fully vaccinated ang isang pasahero kung nakatangap siya ng coronavirus shots na inaprubahan ng World Health Organization.
Dapat rin na magpakita ng proof of vaccination sa pagbisita sa lugar.
Para sa mga magmumula sa pilipinas, kikilalanin naman ang COVID-19 vaccination certificate o vaxcertph na inisyu ng Department of Health.
Maliban dito, ay kailangan din na magprisinta ng negatibong COVID-19 test result at travel insurance.