Umapela si ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) na huwag nang obligahin ang mga fully vaccinated na OFW na sumailalim sa mandatory quarantine pagdating ng bansa.
Ayon kay Taduran, dagdag pahirap lang ang 7-day mandatory quarantine sa mga government facility sa mga balikbayang kumpleto na ng bakuna.
Marami aniya sa mga OFW ang limitado lamang ang pera at panahon ng pananatili sa bansa.
Ipinunto pa ng kongresista na ilan na sa mga bansa sa Europa at Amerika ang nagluwag na ng travel restrictions para sa mga biyaherong nakakumpleto ng COVID-19 vaccine kaya’t hindi na dapat pang pahirapan ang mga balikbayan. — Sa panulat ni Drew Nasino.