Lumobo pa sa 31. 82 million Filipinos ang fully vaccinated na laban sa Covid-19 simula nang ilarga ng gobyerno ang bakunahan noong Marso.
Katumbas ito ng 29.18% ng populasyon ng bansa o malayo pa sa 90% na kailangan ng DOH upang makamit ang herd immunity.
Sa datos ng DOH, 38.47 million o 35.28% na ng mga mamamayan ang nakatanggap ng first dose ng Covid-19 vaccine.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, nito lamang Lunes ay umabot sa 963.777 doses ang itinurok.
Inaasahang madaragdagan pa ang mga fully vaccinated sa mga susunod na araw lalo sa national vaccination days sa November 30 hanggang December 3. —sa panulat ni Drew Nacino