Umabot na sa 7.9 milyong adult filipino sa Metro Manila ang nakatanggap ng dalawang doses ng Covid-19 vaccine.
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, ang nasabing bilang ay katumbas ng 81.4 percent ng eligible population sa National Capital Region.
Tinaya naman aniya sa 9.1 million ang naghihintay ng kanilang second dose sa NCR.
Sa kabuuan ay nasa 54.44 million doses na ng bakuna ang itinurok hanggang kahapon kabilang ang 25.1 million na nakakumpleto na ng bakuna.
Samantala, inihayag ni Malaya na nakatutok na ang gobyerno sa pagbabakuna sa buong populasyon ng bansa depende sa supply ng vaccine. –Sa panulat ni Drew Nacino