Kinumpirma ni UFC Chief Business Officer Hunter Campbell, na hindi na kailangang isailalim pa sa isolation o quarantine ang mga fully vaccinated UFC fighters bago maganap ang kanilang laban ngayong linggo na gaganapin sa Anaheim, California.
Ayon kay Campbell, tanging ang mga atletang unvaccinated na lalaro o sasabak sa UFC 270 ang ilalagay sa pagsusuri ng dalawang beses sa loob ng isang linggo at kailangan ding sumailalim sa quarantine.
Samantala, kailangan ring mag-negatibo ang mga nabakunahang atleta maging ang mga nakakaranas ng sintomas ng COVID-19 sa isang pre-arrival test at susuriin din para sa COVID bago payagang umalis.
Ang nasabing mga protocol ay inilatag ng California State Athletic Commission (CSAC) na sinuportahan ng UFC. —sa panulat ni Angelica Doctolero