Umabot na sa mahigit pitong libong fully vaccinated na dayuhang turista ang dumating sa Pilipinas matapos muling buksan ang bansa noong Huwebes.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo–Puyat, 45% ng mga dumating ay mga Filipino foreign passport holder.
Magugunitang binuksan ang Pilipinas sa mga foreign tourist na nabakunahan laban sa COVID-19, simula Pebrero a – diyes.
Karamihan anya sa mga dumarating ay nagmula sa U.S., Canada, Australia, U.K., Japan At South Korea.
Umaasa naman ang kalihim na magtutuloy-tuloy na ang pagbubukas ng ekonomiya, lalo ng sektor ng turismo sa gitna ng pandemya.
Samantala, aabot na sa 92% ng mga tourism worker ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.