Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang mga gabinete maging ang economic managers sa pagtulong sa kaniyang unang 100 araw bilang pangulo ng Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Marcos, malaki ang naging papel ng mga opisyal sa pagbibigay ng magagandang ideya para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Nabatid na magtatapos na ang unang 100 araw ni PBBM sa Sabado, Oktubre 8.