Payag pa ring dumalo ang mga Cabinet official sa pagdinig ng Senado hinggil sa pandemic response ng pamahalaan sa kabila ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglilimita sa kanilang presensya.
Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos manawagan ang iba’t ibang business group at unibersidad sa mga public official na makipagtulungan sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Ayon kay Roque, kahit may memorandum ay ginagarantiya na ang mga cabinet official, kabilang si Health Secretary Francisco Duque, ay walang magiging problema sa pagsipot sa Senado dahil sa “transparency.”
Gayunman, sinabi naman anya sa kanya ni Secretary Duque na hindi nito pino-problema ang pagharap sa kongreso dahil wala naman siyang itinatago.
Nanindigan naman si Roque na hindi dapat na hini-hold in-contempt ang mga cabinet official na mang-i-snab ng summons na dumalo sa imbestigasyon.—sa panulat ni Drew Nacino