Muling binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang direktiba sa mga pulis at sundalo na arestuhin ang mga gumagamit ng e-cigarette o vape sa mga pampublikong lugar.
Sa kaniyang talumpati sa 80th anniversary ng Department of National Defense, sinabi ng pangulo na kaniyang inatasan ang lahat ng law enforcement agencies na magtulungan sa pag-huli sa mga gumagamit ng vape sa mga pampublikong lugar.
Ayon sa pangulo, walang magandang maidudulot sa kalusugan ng tao ang vape.
Tanging pinsala sa baga at kanser lamang aniya ang makukuha sa paggamit nito.
Ginamit lang umano na pang-akit ang iba’t ibang flavor ng vape pero hindi pa rin tiyak kung anong uri ng kemikal ang nakahalo rito at ano ang posibleng epekto nito sa katawan.
I ordered all law enforcement agencies, and military, to arrest anybody vaping or even smoking in public,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.