Tiniyak ng Smartmatic sa publiko na inilatag na nila ang lahat upang matiyak na hindi mamamanipula ninuman ang pagbibilang ng boto ng mga PCOS machine.
Ayon kay Smartmatic-TIM Technology Manager for Deployment Marlon Garcia, aabutin ng 20 taon bago masabotahe at madaya ng mga hacker ang mga PCOS machine at resulta ng eleksyon.
Sa mismong araw aniya ng halalan ay magiging konektado lamang sa mga private network sa pamamagitan ng isang “transfer mode” at ang prosesong ito ay aabutin ng 2 minuto.
Kampante naman ang Smartmatic sa magiging sistema nito maging sa mga PCOS na gagamitin dahil wala namang naitalang hacking nang ilunsad ang paggamit sa mga makina.
By Drew Nacino | Allan Francisco