Binigyang diin ni Energy Sec. Alfonso Cusi na planado na ang lahat para sa mga gagawing pag-handle o pangangalaga sa mga COVID-19 vaccine bago pa man dumating ang iba’t-ibang brand nito sa bansa.
Sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi na katuwang ng DOE sa pagbuo ng planong ito ang IATF, mga kooperatiba at ang National Electrification Administration (NEA).
Pahayag ni Cusi, na kabilang sa kanilang mga napaghandaan na ay ang pagkakaroon ng primary source, secondary source, tertiary source, fourth source at iba pang mga pamamaraan kung paano mapangangalagaan ang mga bakuna sakaling makaranas ng pagkawala ng pagkawala ng kuryente ang isang lugar sa bansa.
Ginawa ng DOE secretary ang pahayag matapos ang nangyari rotational brownout kamakailan sa ilang lugar sa bansa.