Nasa Hawaii ngayon ang ilang matataas na lider ng militar kabilang na si AFP o Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año para makipagpulong sa militar ng Amerika.
Ito’y para pagplanuhan na ang mga gagawing joint exercises ng dalawang bansa sa susunod na taon.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, may basbas ng Pangulong Duterte ang biyaheng ito ng mga opisyal ng militar.
Kung matatandaan kasi, ilang beses nagbanta noon ang Pangulo na ipatitigil nito ang balikatan at ilan pang military exercise kasama ang Amerika.
—-