Posibleng mga estudyante ng international bomb maker na si Zulkifli Binhir alyas Marwan ang nasa likod ng pagpapasabog sa Davao City.
Ayon sa Special Investigation Task Group, dalawang mortar shell, 60 at 80 millimeter mortar, ang ginamit sa pinasabog na improvised explosive device o IED.
Paikot umano ang naging pagsabog ng bomba na makikita sa iniwan nitong crater sa halip na pababa tulad ng ordinaryong IED.
Paggamit ng mortar IED ang siya umanong tatak ng mga terrorist group sa central Mindanao.
Sa naturang lugar ay nagpalipat-lipat at nagtago si Marwan bago ito tuluyang napatay.
By Rianne Briones