Pinatatanggal ng 130 Civil Society Organization mula sa iba’t ibang panig ng bansa kay Apple Chief Executive Officer Tim Cook ang mga application o laro na may koneksyon sa kampanya kontra iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga grupong ito ay ang human rights at drug policy reform groups na nagpadala ng open letter sa Apple.
Giit nila, ang mga larong ito ay nagpapakita ng extrajudicial killing at pagkabayolente kung saan ay nilalabag ang “app store review guidelines”
Dahil dito pinare-review din ang mga applications at pinagpapalabas ng apology ang Apple dahil sa pagpayag nito na mag-host ng umano’y “insensitive content”
Ilan sa mga larong tinutukoy ng mga grupo ay ang “Duterte knows kung fu: Pinoy crime fighter.” “Duterte running man challenge.”, Tsip bato: ang bumangga giba!”at “Duterte vs. Zombies.”