Alam niyo ba na hindi lamang para sa sugat ang Hydrogen Peroxide?
Ang Hydrogen Peroxide ay isang disinfectant o pampatay ng mikrobyo.
Taglay nito ang tubig o H2O at extra na oxygen molecule o H2O2.
Pinapatay naman ng oxidation ang mikrobyo at nag-aalis ng kulay o bleach sa mga magagaspang na gamit tulad ng tela.
Maaaring gamitin ang Hydrogen Peroxide sa mga gustong pumuti ang ngipin, paghaluin lamang ang pantay na sukat ng tubig at Hydrogen Peroxide at ipangmumog.
Pwede rin na ibabad ang toothbrush pinaghalong tubig at Hydrogen Peroxide at ipang sepilyo ng dalawang minuto.
Pampaputi rin ito ng kuko na nanilaw dahil sa mga nakakahawang kulay o madalas na paglalagay ng nail polish at paninigarilyo, isawsaw lamang ang bulak sa hydrogen peroxide at ipahid ito sa kuko.