Hindi gumaling ang mga COVID-19 patients gamit ang mga gamot na sinubukan sa solidarity trial for therapeutics na inorganisa ng World Health Organization (WHO).
Kabilang ang Pilipinas sa solidarity trial for therapeutics kung saan gumamit ng dating gamot na aprubado na pwedeng gamitin para sa COVID-19.
Batay sa datos na inilabas ng WHO mula sa iba’t ibang bansa hindi naging maganda ang resulta o hindi nagbigay proteksiyon laban sa COVID-19.
Ayon kay Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development, kabilang sa mga gamot na ito ang Remdesivir, Lopinavir-Ritonavir na para sa mga may HIV, interferon para sa hepatitis at hydroxycholoroquine para sa malaria.
Samantala, tinitingnan ng WHO ang iba pang gamot tulad ng monoclonal antibodies at maging ang anti-inflammatory agents.— sa panulat ni Rashid Locsin