Plano ng Food and Drug Administration (FDA) na magpasaklolo sa mga Local Government Unit (LGU) upang pigilan ang mga sari-sari store na magbenta ng mga gamot.
Ito, ayon kay FDA Deputy General Oscar Gutierrez, ay upang maiwasan ang mga pekeng gamot, partikular ang mga COVID-19 related medicine.
Sa kanyang pagharap sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, inihayag ni Gutierrez na ang mga LGU Ang nag-i-issue ng lisensya o permit sa mga sari-sari store na magkapag-operate.
Maaari anyang magpasa ng ordinansa ang mga lokal na gobyerno na nagbabawal sa mga sari-sari store na magbenta ng gamot.