Ininspeksyon ng Department of Energy o DOE ang ilang gasolinahan sa Metro Manila.
Layon nitong matiyak na hindi naaabuso ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Iginiit ng DOE na bagamat epektibo na simula Bagong Taon ang TRAIN Law kung saan kabilang sa mga papatawan ng P2.50 na excise tax ang kada litro ng diesel at P2.65 sa kada litro ng gasolina ay magsisimula lamang makaapekto sa mga bagong stocks.
Sa naturang inspeksyon, hiningi ng DOE sa mga gasolinahan ang delivery receipts, arawang imbentaryo at sales record para matukoy kung naubos na ang mga lumang stock na langis ng mga ito.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang evaluation ng DOE sa mga nainspeksyon nilang mga gasolinahan.
—-