Hindi isinasantabi ng gobyerno ang mga inisyatibo ni Vice President Leni Robredo para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, anumang kontribusyon, rekomendasyon mula sa oposisyon para lamang matiyak ang matagumpay na paglaban ng bansa sa pandemya ay kanilang pinapahalagahan.
Ani Roque, kaisa ni Robredo ang Palasyo sa mensahe nito sa kaniyang ulat sa bayan kung saan binigyang punto nito ang pagtutulungan ng bawat Filipino ngayong pandemya.
Binigyang diin din ni Roque ang pasasalamat ni Pangulong Duterte sa kaniyang SONA sa mga frontliners na nag-provide ng essential health services, mga naging katuwang sa pagtitiyak ng sapat na suplay ng pagkain at sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa gitna ng nararanasang krisis.