Kumpiyansa si Senate Committee on Finance Chairman Senator Loren Legarda na makalulusot pa rin ang panukalang 2018 proposed national budget sa pagpupulong ng bicameral conference committee.
Ito’y sa kabila ng pagkontra ng mga senador sa ilang mga probisyon ng nasabing panukala na inaprubahan ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan.
Sinabi sa DWIZ ni Legarda, bagama’t may mga pagkakaiba, mahalaga aniya sa ngayon ay nagkakaisa ang dalawang kapulungan para maisulong ang mga nakalinyang proyekto sa susunod na taon.
Sinagot din ni Legarda ang pagkuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon hinggil sa ginawang dagdag bawas ng Senado sa pondo ng ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Sa katunayan, nakatakdang ibigay ni Legarda ngayong araw ang detalye ng mga isinagawang amendments sa budget.
—-