Taliwas sa inaasahan, nasa good mood si Pangulong Rodrigo Duterte nang pulungin ang mga ipinatawag na gobernador sa Malakanyang.
Sa naturang pulong, nanawagan ng tulong ang Pangulo mula sa mga gobernador para magtagumpay ang kampanya kontra iligal na droga.
Ipinakita rin ni Pangulong Duterte sa mga gobernador ang narco-list kung saan 40 percent sa mga sangkot at protektor ng illegal drugs operation ay mga barangay captain.
Binanggit ng punong ehekutibo na mayroon ding ilang alkalde na nasa narco-list kaya’t mahalaga ang tulong ng mga ipinatawag na opisyal kaya’t mahalagang kumilos ang mga gobernador upang malutas ang problema.
Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga governor na iwasang pumasok sa illegal drug trade dahil papatayin niya ang mga ito at kapag napatunayang protektor ay hahabulin naman ang mga ito.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping