Nakatakdang ipatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang mga gobernador sa bansa sa susunod na linggo.
Katulad ng ginawang pagpapatawag ng Pangulo sa mga alkalde sa palasyo,sinabi ng Pangulo na aatasan niya ang mga nahalal na mga gobernador na pagsabihan ang mga barangay captains sa kanilang nasasakupan na tigilan ang pagkakasangkot sa illegal na gawain particular na sa iligal na droga.
Maaari rin aniyang pagsabihan ng mga gobernador ang mga alkalde sa kanilang lugar na sangkot o protector ng iligal na droga.
Hindi maitago ni Pangulong Duterte ang pagkainis sa mga halal na opisyal na sangkot sa illegal na droga kayat nagbanta ito na lalasunin o ipa-ambush ang mga ito kapag hindi tumigil sa kanilang maling gawain.
Binigyang-diin pa ng Pangulo na hindi siya aatras sa kanyang laban kahit pa ito ang maging dahilan ng kanyang pagbagsak sa pagka Pangulo ng bansa .
By: Aileen Taliping