MAY 16 na araw na lamang bago ang halalan sa Mayo 9, siniguro ng mga local chief executives, kabilang ang mga governor, mayor at traditional leader sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang landslide victory ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa kanilang rehiyon.
Kasabay ito ng kanilang pangako na poprotektahan din nila ang boto niya at hindi sila papayag na madaya siya sa kanilang mga lugar.
Sa isang simpleng programa nitong Biyernes ng gabi sa Manila Hotel, lumagda ang mga opisyal ng BARMM ng isang oath of commitment para ipakita ang kanilang solidong suporta kay Marcos at running mate nito na si Inday Sara Duterte.
Bitbit ang kanilang command votes, siniguro ng mga opisyal na karamihan sa halos dalawang milyong botante sa BARMM ay magbibigay ng siguradong panalo kina Marcos at Duterte sa Mindanao.
“We the governors, mayors, and traditional leaders of BARMM, commit ourselves to fervently, strongly, and firmly support the unifying leadership and candidacy of Marcos for the position of president of the Republic of the Philippines, and Duterte for the position of vice president of the Republic of the Philippines” ayon sa pledge of commitment.
“We commit to protect the will of the people and safeguard the victory of Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., and Mayor Inday Sara Duterte as president and vice president of the Republic of the Philippines,” dagdag pa nito.
Dumalo sa programa ang mga gobernador ng Maguindanao, Sulu, Lanao del Sur, Tawi-Tawi kasama ang kanilang mga alkalde at traditional leaders.
Nandoon din ang iba pang lokal na opisyal ng Basilan, at Cotabato.
Ayon naman kay Sulu Gov. Abdusakur Tan, nakasisiguro siya na kaya nilang ibigay ang mahigit 80 porsyento na boto mula sa kanilang 420, 000 na botante sa probinsya.
“Pangako ko sa kanya (Marcos) mahina na ang 80% na boto sa buong probinsya kasi wala kaming kalaban. Ang probinsya namin 420, 000 registered voters halos wala kaming kalaban lahat. Ako, anak ko, vice governor, congressman, dalawang congressman, mayor, walang kalaban“ siniguro ni Tan.
Nagkakaisa naman ang mga gobernador na handa nilang protektahan ang boto ni Marcos sa kanilang mga probinsya.
“Sigurado pong poportektahan natin ang boto ni BBM sa BARMM,” ayon kay Gov. Suharto Ten Mangudadatu, ng Sultan Kudarat.
“Hindi na mangyayari na gamitin ang Maguindanao, na gamitin ang probinsya namin para mandaya. Handa kaming protektahan ang inyong boto dito sa Maguindanao,” Glgiit naman ni Maguindanao Gov. Bai Miriam Mangudadatu.
Personal namang pinasalamatan ni Marcos ang mga lider ng BARMM kasabay ng paniniguro na makikinabang ang Mindanao sa lahat ng priority program ng pamahalaan sakaling maluklok sila sa pwesto sa Mayo 9.
“It is important to show that the idea of ‘pagkakaisa’ the idea of ‘unity’ is not only a campaign slogan, it is a cause, it is something that we truly believe. And with your acts, with your actions tonight in coming together, yourselves, in coming together with the UniTeam is a big manifestation that we have the right message that this unity is in fact what we need in this time of crisis, in this time of difficulty that the Philippines is going through,” ani Marcos sa kanyang talumpati.
“Thank you again for your support, but I am also, as for, all of you, kung maipanalo natin ito kailangan ko ng tulong ninyong lahat. I need the help, I need your wisdom, I need your advice and because of that you can rest assure that you will always have an ear who will listen to you. You will always have an open door to which you can go,” dagdag pa niya.