Naka-code white alert na ang lahat ng government hospital sa bansa para sa posibleng firework-related injuries, tatlong araw bago ang New Year’s Revelry.
Sa ilalim ng code white alert, 24 oras naka-standby ang emergency services, mga doktor at nurse.
Kabilang sa mga naghahanda ang East Avenue Medical Center sa Quezon City na naglatag na ng mga medical equipment, gamot at disinfectant sa kanilang emergency ward.
Ganito rin ang sitwasyon sa Philippine General Hospital at Jose Reyes Memorial Medical Center sa lungsod ng Maynila.
Batay sa datos ng Department of Health, umabot na sa 25 ang firecracker-related injuries hanggang kahapon.
Inihayag ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang nasabing bilang ay 14% na mataas sa 22 cases na naitala sa kaparehong panahon noong isang taon.
Nangungunang sanhi ng injuries ang boga, whistle bomb, kwitis at 5-star.