Pinagbawalan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga government employee na magsuot ng mga damit na nag-po-promote ng mga kandidato kung nasa trabaho.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, bagaman maaari naman ang kahit anong kulay tuwing “civilian days”, hindi dapat magsuot ng mga damit na may mga kataga na nagpapakita ng suporta sa kandidato.
Dapat anyang maging maingat sa pagpili ng isusuot kung nasa trabaho lalo’t non-partisan ang mga government employee.
Karaniwang may kanya-kanyang kulay ang mga kandidato bilang bahagi ng kanilang kampanya.