Inamin ng Pangulong Rodrigo Duterte na wala pa siyang hawak na ebidensyang magpapatunay na mayroong government official na dawit sa 154 billion ghost dialysis controversy ng Philhealth.
Sinabi ng pangulo na sa ngayon ay uunahin muna niyang tugisin at parusahan ang mga ospital na naniningil ng pang pa dialysis kahit walang pambayad ang pasyente.
Malinaw aniya itong panloloko ng mga ospital sa pondo ng bayan.
Tiniyak ng pangulo na bubusisiin niya ng husto kung sino ang mga kawani ng gobyerno na nakikipag sabwatan sa nasabing kalokohan.